Huwebes, Mayo 16, 2013

Sen. Binay, nag-enrol sa UP!

Manila, Philippines - Pagkatapos kumalat ang mga masasamang reaksyon sa internet at mabully ng mga netizens dahil sa kanyang educational background, agad na nagbigay ng pahayag si Senador Binay na kukuha umano siya at kanyang mga staff ng crash course sa UP kung anu-ano ang mga pangunahing panuntunan sa senado.  Ayun sa kanya: "I want to prepare myself and be familiar with the rules and structure ng Senado.  Pero hindi lang ako ang mag-aaral, pati sraff ko i-e-enroll ko kasi hindi lang naman ako ang maglilingkod."  Inamin din nyang hihingi din daw sya ng tulong kina Senador Legarda at Senator Estrada para gabayan siya sa pagsabak sa bago niyang trabaho.

 Sa pagkaka-alam ko, hindi lang siya ang unang magkakaroon ng crash course, dahil sila Lucy Torres at Ate V ay kumuha din ng ganitong kurso.  So sa mga critics ni Senador Binay, abang abang tayo sa mga susunod na mga mangyayari sa Senado.  Dito masusubukan ang natural niyang talino at galing sa debate sa bawat isyung lulutasin.  Abangan din natin ang debate nila ni Senador Lapid tungkol sa mga isyung mainit sa panlasa ng mga Pilipino ngayon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento