Linggo, Agosto 25, 2013

Napoles - Queen of Scam


Hindi na ako nanimago kung bakit nakatakas ang reyna ng mga scam na si Madam Napoles. Bakit kamo? Simula pa Ping Lacson, Revilla na ngayon ay nasa Turkey daw. Hindi ko alam kung sino ang dapat sisihin, kung DOJ or NBI at anu ang dahilan kung bakit naging late ang pag-issue ng warrant of arrest. Isa lamang ito sa mga tanong na nasa isipan ng mga Pilipino na nakaabang sa naturang isyu.

Hindi kaya may mga kasabwat parin ang kampo ni Napoles sa loob ng NBI o sa DOJ. Bakit naman nila malalaman na mag-iisyu ng warrant  laban sa kanila ang gobyerno? Ibig sabihin, nakatimbre na sila na mag-lalabas na ng warrant, at sa pagkakatong iyun, nakagawa na sila ng paraan upang makatakas. 

Sa ngayon, mahigit isang linggo na ang nakakaraan mula nang maglabas ng warrant, but Napoles is still hiding against her case. I think, the government or the president himself should do a certain investigation in the two departments. Why? If everyone has access in the decision in issuing a warrant to certain individual, I think this case will be happening again and again.

Martes, Agosto 20, 2013

Signal ng Sun Cellular nadala ng Agos ng baha.

Kasalukuyang nakakaranas ng pagbagal ang mga sasakyang bumabyahe sa ngayon ang mga pangunahing kalsada ng Metro Manila dahil sa bigla-biglang pagtaas ng tubig baha at nakikisabay din ang pagbagal ng signal ng Sun Cellular dito sa Cainta, Rizal na kung saan mas dapat nilang pag-igihin ang kanila serbisyo sa ganitong mga panahon dahil mas maraming mga kustomer nila inaasahang gagamit ng kanila serbisyo.

Sadyang dumarami na ang mga negosyo ngayon na puro pampersonal lang ang iniisip. Kahapon, nagpaload ako ng 100 pesos na broadband, after receiving the confirmation, ayun yung HSDPA naging EGDE signal na kung saan sobrang bagal. Ito ngayong araw naka HSDPA narin sya, ang problema naman nagauauto disconnect naman sya. Sayang lang ang mga dinownload ko, uulitin ko nanaman ang proseso. Hay, kung pwede lang mamili ng broadband. Kaya kayo, magtrial muna kayo bago magsubcribe ng mga mobile services.

Biyernes, Mayo 17, 2013

Reaksyon ng mga Netizens sa isyu ng Taiwan

Pagkatapos ng mga issues ng eleksyon, ito nanaman, tungkol sa usapang foreign relations ang ating kinakaharap laban sa bansang Taiwan.  Ilang araw na ang nakakaraan ng magkaroon ng habulan at nahantong pa sa pagkawala ng buhay ng isang Taiwanese, sa karagatan malapit sa Batanes, ito ay parte parin ng Pilippines.  Ito'y kinabibilangan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard at grupo ng mga mangingisdang Taiwanese. 

Binabatikos ngayon ng mga netizens ang pag-hingi ng paumanhin ng ating gobyerno sa gobyerno ng Taiwan dahil sa nangyari.  Sabi nga ng iba, bakit kailangang tayo ang maghingi ng paumanhin kung sila ang nanghimasok sa karagatang pag-aari ng ating bansa.  Bakit kailangang idamay pa ng Taiwanese government ang mga Pilipinong matiwasay na nagtatrabaho sa kanilang bansa? 

Hindi ko inaasahan ang violent reactions mula kay PNoy tungkol sa naturang isyu sa kadahilanang ipinaglalaban niya ang usapang kapayapaan at deplomasya.  Hindi rin natin siya masisisi sa ganung pamamaraan, dahil may international laws tayong dapat isipin.  Ngayon, kailangang isiping mabuti ang mga susunod na ligal na hakbang na makikinabang ang sambayanan.

Huwebes, Mayo 16, 2013

Sen. Binay, nag-enrol sa UP!

Manila, Philippines - Pagkatapos kumalat ang mga masasamang reaksyon sa internet at mabully ng mga netizens dahil sa kanyang educational background, agad na nagbigay ng pahayag si Senador Binay na kukuha umano siya at kanyang mga staff ng crash course sa UP kung anu-ano ang mga pangunahing panuntunan sa senado.  Ayun sa kanya: "I want to prepare myself and be familiar with the rules and structure ng Senado.  Pero hindi lang ako ang mag-aaral, pati sraff ko i-e-enroll ko kasi hindi lang naman ako ang maglilingkod."  Inamin din nyang hihingi din daw sya ng tulong kina Senador Legarda at Senator Estrada para gabayan siya sa pagsabak sa bago niyang trabaho.

 Sa pagkaka-alam ko, hindi lang siya ang unang magkakaroon ng crash course, dahil sila Lucy Torres at Ate V ay kumuha din ng ganitong kurso.  So sa mga critics ni Senador Binay, abang abang tayo sa mga susunod na mga mangyayari sa Senado.  Dito masusubukan ang natural niyang talino at galing sa debate sa bawat isyung lulutasin.  Abangan din natin ang debate nila ni Senador Lapid tungkol sa mga isyung mainit sa panlasa ng mga Pilipino ngayon.

Mga OFW sa Taiwan, apektado!

Lubos akong nalulungkot sa balitang nagkakaroon na nang epekto sa mga kababayan natin sa Taiwan ang nangyari karagatang kasama pa sa pag-aari ng Pilipinas.  Nakabalik na sa bansa ang kinatawan ni PNoy na galing sa Taiwan na si Amadeo Perez, siya ang nagdala nang sulat ng pakikiramay sa pamilya nang nasawing Taiwanese.  Ayon sa kanya, naranasan nya ang hindi magandang pakikitungo nang mga Taiwanese Hotel staff na tinuluyan nila.  Ayun pa sa mga Pinoy na kasalukuyang nagtatrabaho at nakabase sa Taiwan, ramdam din daw nila ang masamang pakikitungo nang mga Taiwanese sa kanila.

Hindi ko lang talaga maintindihan ang point nung sinabi ni PNoy na hindi hihingi ng paumanhin sa Taiwan.  Pero noong sinabi ng gobyerno ng Taiwan na ihihinto ang pagpapadala ng mga OFW sa kanilang bansa, biglang naiba ang sitwasyon.  Agarang humingi ng paumanhin si PNoy sa pamilya ng mangingisda, siguro dahil iniisip din nya ang sitwasyon ng mga kababayan natin.  Pero sana hindi muna sya nagbitaw ng mga salita sa midya.  Kelangan matuto s'yang manindigan sa lahat ng kanyang sinasabi para hindi s'ya napapahiya hindi sa mga Pilipino kundi sa Taiwan.

Ngayon, nalaman na ng Taiwan ang kahinaan ni PNoy, which is the situation of the OFWs, kaya nagbabanta ang kanilang gobyerno laban sa mga Pilipino.  Bakit tayo matatakot sa mga pagbabantang yun? Maswerte pa nga ang Taiwan dahil kasama nila ang mga mahuhusay na mga OFW sa pagpapaunlad nang kanila ekonomiya.  Kung sisindakin ang gobyerno natin na aalisin ang higit kumulang 82,000 na mga OFW sa Taiwan, e dey alisin nila nang sabay-sabay, tingnan natin kung uunland ang kanila ekonomiya.  Sindakan kung Sindakan lang ang laban, basta lagi nating tatadaang - pagusapang ekonomiya, magkaroon tayo ng kamay na bakal, manindigan tayo, kaya nating mabuhay nang wala sila.

Lunes, Mayo 13, 2013

Isang Senador, Miyembro ng KBP?

May-isa akong video na nakita na kuha ng isang malaking TV station, ang video na kung saan pumipirma at bomoboto ang isang kandidato sa pagka senador; suot-suot ang bukol shorts, white shirt at tsinelas.  Nagulantang ang mga kababayan nating mga netizens sa makabagong get-up niyang  ito.  Sabi nang mga memyembro ng KBP (Kapisanan ng mga Bek-bek sa Pinas), tumatanda raw ang kandidatong ito ng paurong, anu yun, naglalakad ng patalikod?  Meron din namang nagsasabing nagfefeling young ang naturang kandidato, eh anu naman ngayon? eh kung yun ang gusto nya, e dey magpakasaya sya.

Pero maraming mga kwento at haka-haka na kumakalat sa QueBek (pronounced as kwebek - means sa parlor.)  Ito'y may kaugnayan raw sa pagkakakaki ng naturang kadidato?  Basta usapang lalaki, nabubuhay ang berdeng dugo ng mga kampon ni Bektor (ang hari ng mga bek-bek.)  Ang sabi, may nakakemehan raw ang kandidatong ito na Guwardya Sibil, tauhan at meyembro ng isang grupong nagbabantay sa siguridad ng Palasyo ng Kaharian.  At ayun pa sa mga nabasa ko sa talaan ng mga malalaman, iniwan mismo ng Guwardya Sibil ang kanyang trabaho dahil sa mga natatangap n'yang mga pagbabanta nag nagmumula raw umano sa kandidatong ito.

Sinetch itey na may kunwaring karilasyon na taga showbiz upang pagtakpan lang kanyang tinatagong personalidad.  Sabi ng iba, may itsura daw siya (pusa nga may itsura eh) tao pa kaya?  May nabasa ako online, ayaw niya raw patulan ang mga issueng ito ito, kasi tanging mga Guwardya Sibil lang ang papatulan nya.  Ang mag-react, BADING!