Huwebes, Mayo 16, 2013

Mga OFW sa Taiwan, apektado!

Lubos akong nalulungkot sa balitang nagkakaroon na nang epekto sa mga kababayan natin sa Taiwan ang nangyari karagatang kasama pa sa pag-aari ng Pilipinas.  Nakabalik na sa bansa ang kinatawan ni PNoy na galing sa Taiwan na si Amadeo Perez, siya ang nagdala nang sulat ng pakikiramay sa pamilya nang nasawing Taiwanese.  Ayon sa kanya, naranasan nya ang hindi magandang pakikitungo nang mga Taiwanese Hotel staff na tinuluyan nila.  Ayun pa sa mga Pinoy na kasalukuyang nagtatrabaho at nakabase sa Taiwan, ramdam din daw nila ang masamang pakikitungo nang mga Taiwanese sa kanila.

Hindi ko lang talaga maintindihan ang point nung sinabi ni PNoy na hindi hihingi ng paumanhin sa Taiwan.  Pero noong sinabi ng gobyerno ng Taiwan na ihihinto ang pagpapadala ng mga OFW sa kanilang bansa, biglang naiba ang sitwasyon.  Agarang humingi ng paumanhin si PNoy sa pamilya ng mangingisda, siguro dahil iniisip din nya ang sitwasyon ng mga kababayan natin.  Pero sana hindi muna sya nagbitaw ng mga salita sa midya.  Kelangan matuto s'yang manindigan sa lahat ng kanyang sinasabi para hindi s'ya napapahiya hindi sa mga Pilipino kundi sa Taiwan.

Ngayon, nalaman na ng Taiwan ang kahinaan ni PNoy, which is the situation of the OFWs, kaya nagbabanta ang kanilang gobyerno laban sa mga Pilipino.  Bakit tayo matatakot sa mga pagbabantang yun? Maswerte pa nga ang Taiwan dahil kasama nila ang mga mahuhusay na mga OFW sa pagpapaunlad nang kanila ekonomiya.  Kung sisindakin ang gobyerno natin na aalisin ang higit kumulang 82,000 na mga OFW sa Taiwan, e dey alisin nila nang sabay-sabay, tingnan natin kung uunland ang kanila ekonomiya.  Sindakan kung Sindakan lang ang laban, basta lagi nating tatadaang - pagusapang ekonomiya, magkaroon tayo ng kamay na bakal, manindigan tayo, kaya nating mabuhay nang wala sila.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento