Biyernes, Mayo 17, 2013

Reaksyon ng mga Netizens sa isyu ng Taiwan

Pagkatapos ng mga issues ng eleksyon, ito nanaman, tungkol sa usapang foreign relations ang ating kinakaharap laban sa bansang Taiwan.  Ilang araw na ang nakakaraan ng magkaroon ng habulan at nahantong pa sa pagkawala ng buhay ng isang Taiwanese, sa karagatan malapit sa Batanes, ito ay parte parin ng Pilippines.  Ito'y kinabibilangan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard at grupo ng mga mangingisdang Taiwanese. 

Binabatikos ngayon ng mga netizens ang pag-hingi ng paumanhin ng ating gobyerno sa gobyerno ng Taiwan dahil sa nangyari.  Sabi nga ng iba, bakit kailangang tayo ang maghingi ng paumanhin kung sila ang nanghimasok sa karagatang pag-aari ng ating bansa.  Bakit kailangang idamay pa ng Taiwanese government ang mga Pilipinong matiwasay na nagtatrabaho sa kanilang bansa? 

Hindi ko inaasahan ang violent reactions mula kay PNoy tungkol sa naturang isyu sa kadahilanang ipinaglalaban niya ang usapang kapayapaan at deplomasya.  Hindi rin natin siya masisisi sa ganung pamamaraan, dahil may international laws tayong dapat isipin.  Ngayon, kailangang isiping mabuti ang mga susunod na ligal na hakbang na makikinabang ang sambayanan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento